Dahil bored ako. GG madness.
Eto na naman ako, grabe. Hindi pa ako nagiging ganito ka-active sa pagbablog, kahit sa mga dati kong blog eh hindi naman ako ganito kadalas mag-update. Oh well, wala akong magawa e. haha. Kaya eto na lang ang natripan kong gawin. magblog and magblog and manuod forever and ever. haha.
Tinapos ko ang season 1 ng Gossip Girl kahapon (Napanuod ko na yung ilang episodes dati, pero ngayon ko na lang sya talaga natapos. Episode 1 and 2 pa lang ang napapanuod ko sa season 2. Grabe, nakaka-inlove pala ang Gossip Girl. haha. Lalo na si Blair Waldorf and Chuck Bass. Nakakatuwa silang panuorin, lagi silang nag-aaway pero halata namang love na love nila ang isa’t-isa.
Gusto ko ng mapanuod yung episode 3 and 4 kaso di pa sya available sa http://sidereel.com, showing na ang GG Season 2 sa tv diba? Hindi ko kasi alam kung anong oras pinapalabas, alam nyo ba? haha. share! para di ako mamatay sa sobrang paghihintay sa mga episodes na ‘to.
Mamimiss ko din ang love team ni Rufus and Lily.
Sana meron parin sa season 2.)
“Three words. Eight letters. Say it and I’m Yours.”
-Blair Waldorf
[EDIT] Singit ko lang ‘to dito haha. Naalala ko na naman e:
Hanggang ngayon, di parin ako makapag move-on sa issue ng mga Zodiac Signs. haha. Nabasa ko kasi ‘to sa Reader’s Digest: (di ko na mahanap yung issue na yun pero basta ito yung nakasulat dun) Yung Zodiac Sign natin, nakabase sa position ng constellations 2,200 years ago yung ginagamit nating signs ngayon at dahil sa mga pagbabago na nangyayari sa ating mundo – sa kanyang tilt and precession ay yung position na to, nagbago. Kaya ang mga katulad kong Gemini ay Taurus na ngayon!
haha. Tapos may bago ng Zodiac Sign – Ophiuchus (November 29-December 14) (For more info and to find out what your zodiac sign is: CLICK!
[/EDIT]
WALA LANG.
After 48 years na naman bago ako nakapag-update. haha Kawawa ka naman, blog ko.
pero ngayon, term break na! Tapos na ang finals, tapos na ang math, tapos na ang chu-moments and cheverloo. Kahit kulang kulang 2 weeks lang yung term break namin, ayos lang. At least pahinga diba?
Kinakabahan ako sa MATH. well, tapos na yung final exams namin sa math, pero hanggang ngayon kinakabahan parin ako sa magiging results. Ayokong bumagsak promise, ayokong ibitin na lang ako bigla patiwarik ng parents ko. Mahal na mahal ko ang math dati Isa ako sa mga taong kaexxage exxage naman ang reaksyon kapag nakakakita ng word problems, equations, variables, at numbers sa board at sa assignment. Na kung makapagsolve sa mga problems eh akala mo wala ng bukas, na gustung-gusto magpuno ng board sa tuwing pinapasagot ng teacher – dahil sa haba ng solution at laki ng sulat. Pero ngayon, mahal ko parin naman ang math kahit papano. haha. Di ko dapat sinisisi lahat sa pagiging strikto ng teacher namin at sa super boring nya talagang magturo. Hindi rin siguro ako masyadong nagfocus sa pag-aaral at ginamit lahat ng time sa pakikipagkwentuhan kay kuya Carlos at pagkain ng Oheya with my frineds. Kung bumagsak man ako ngayon, babawi at babawi talaga ako next term – matututo ako sa aking pagkakamali at kung sakali mang pumasa ako, thank You Lord! *bow*
Dadating na ang aking tatay Yeheyy! hahaha. Nung August pa ako excited. Nakamark na sa phone and calendar ko yung date ng pagdating nya: September 13, 2008. Kahit 3 months LANG DAW sya nawala, eh excited parin ako.
haha. Buong buhay ko, sa abroad na nagtatrabaho ang tatay ko, kaya ang saya naman pag andito sya diba? Kahit 3-4months lang sya dun, 20+ days lang naman sya dito.
WALA LANG. Feeling ko, ang dami kong gustong ishare at ilabas na feelings and thoughts.
haha. Pero, hindi pa ngayon ang tamang oras – masakit na kasi yung leeg ko. hahaha.
at sa sobrang boring ng buhay ko – iniisip ko ng may SPLIT PERSONALITY na ako – pero parang totoo nga hahaha naguguluhan ako.
hahahay. Baliw na ba? Baliw???! Napakawalng kwentang post. haha. Pero, wateber. Sa susunod na lang ulit. haha. Ay! haha. Highlight of my first term of college: si SPARKS. Crush ko sya since 3rd year high school at hanggang ngayong college na pinagtagpo na ang aming mga landas. wahahaha. Ilang beses ko na syang nakakasabay pauwi (haha. pero syempre, sabit lang. Thanks to my HS friends. haha.
Enjoy na nga akong kasama sila, nadagdagan pa, kasi lagi din syang kasama) Hindi pa ako tinutubuan ng loob para makipag-usap sa kanya – yung tipong usap talaga. Pero sana, dumating ang panahon na magawa ko rin yun. Basta ngayon, happy ako.
hahaha. At least, ngayon, hindi na sya out of reach. at nagcocomment na sya sakin sa friendster. at. at. nag-uusap kami ng kahit pacomment comment lang at iilang words lang. Amen. haha. Good Luck sakin.
– samin. yeaa. hahaha. IN MY DREAMS.
Camphone lang ang ginamit kaya pasensya na sa quality, sa jeep yan k
inuhaan. May 2 pictures pa, haha (dun sa 2 pics, nakatingin and smile na kaso, mukang mukang bangag ako, kaya hanggang sa phone ko na lang mananatili yung pic na yun) salamat talaga kay Kon sa pictures.
mas cute sya sa personal!
at ako, muka akong bangag dyan haha. *kilig. kilig* hanggang ngayon, di parin ako makapagmove-on. wahaha. Tama na nga, masyado naman akong natuwa. haha. LUMELEVEL.
Bloghop ako bukas.
hehehe. namiss ko to.
KOLEHIYO.
TAG-LISH POST.
Yes, it’s my 6th week in College and i’m still alive. =D hehe. Ang saya pala magcollege no? Naiinggit nga ako sa mga classmates ko na nasa Manila ngayon kasi gusto ko rin yung feeling na maging independent, makapaggala kahit na anong oras, makipagkwentuhan sa mga kadorm mates ko buong umaga, makakilala ng madami pang tao, makapagexplore at makilala pa ang aking sarili. Ngunit, narealize ko rin.. na kapag nasa Manila ako, mahirap ang pera, nakakamiss ang pamilya ko, mahirap ang pera.. at, mahirap mamuhay doon. Kaya I admire people who are living away from home, grabe yung homesickness na mararamdaman mo, (ayon sa aking imagination at mga reflection). Hindi man ako nasa manila ngayon para maramdaman at maexperience ang total freedom, kuntento na ako sa kinalalagyan ko ngayon, at enjoy naman sya kahit papano.
TOP 5 NA MGA BAGAY NA NATUTUNAN KO SA KULANG KULANG ISANG BWANG PAGIGING KOLEHIYO:
1.) Maaari kang magimprove, marami ka ng maaring gawin. Maipapakita mo yung side mo na hindi mo naipakita nung highschool ko. Well, pag college kasi, halos lahat ng mga kasama mo, freshmen din, at hindi lang yun, lahat
ng mga kaklase mo, hindi ka kilala. Wala silang alam kung naging loser o nagkastage fright at kung anu ano ang mga napagdaanan mo nung Highschool ka. Kaya mas madaling mapakita kung sino ka talaga.
2.) Iba talaga ang Highschool life, Iba ang closeness nyo ng friends nyo sa mga mamimeet mo ngayon. Maaring nasasabi ko lang to dahil sa bago pa lang akong nag-aaral, ngunit alam kong walang makakapagpalit sa mga memorya at mga experience mo noong highschool ka, lalong lalo na sa mga taong nakilala mo at nakilala ka rin. Kaya sa mga highschool, lubus lubusin nyo na at talagang pahalagahan nyo ang mga taong nasa paligid nyo, kahit yung pinaka-kaaway mo, wala ng papalit sa kanya.
3.) Hindi pwedeng paeasy-easy ka lang. Iba ang college sa highschool, madaming assignments at projects na kailangang ipasa at walang pakialam ang mga prof nyo kung ano ang dahilan nyo kung bakit hindi kayo nakapagpasa ng mga bagay na dapat nyong ipasa.
4.) Iba’t Ibang tao ang mga makikilala mo. May mga adik sa math, may mga adik din sa yosi. May magaganda, may hindi rin masyadong kagandahan. May mga gadget ang trip at yung iba naman eh dancing. Masaya. Pramis. Ngayong college nakilala ko ang 2 sa pinakamagaling at pinaka di ko makakalimutang teacher sa buhay ko. =) Kahit na yung isa eh hindi na namin teacher, saludo ako sa kanilang dalawa. Ang dami na nilang naituro at naibigay na kaalaman na hindi lamang pangclassroom, madadala mo rin pang habang buhay, napatunayan kong iba talaga ang maging teacher, madami kang naiimpluwensyahan. Nakakilala rin ako ng madaming friends at natutong makisama kahit sa mga taong ibang iba ang background at ugali sa akin, nakakilala ako ng taong kinakausap ko buong math class at wala kaming pakelam kahit na hindi na kami nakakapakinig sa teacher na walang ginawa kundi manermon, lumawak ang aking pag-iisip sa mga “math session” naming yun, at patuloy parin akong natututo sa mga taong nakakasama ko.
5.) Enjoy lang dapat. Hindi madali, kahit ngayong una pa lang. Daming gagawin, tapos bahala ka sa buhay mo. Pero, kahit na ganun, hindi dapat natin kalimutan ang ating social life diba? tsaka, syempre.. Kelangan masaya tayo habang nag-aaral. Basta dapat natututo ka sa lahat ng courses mo, Importante ang grades pero mas importante ang matuto kahit na bumagsak ka. Learn from our mistakes ika nga, mas okay yun kesa puro uno ka nga, pag alis mo naman ng college eh wala kang nadala.
6th week na namin ngayon.
at kasalukuyan akong nag-eenjoy na maging isang kolehiyala. =)
Ambidexterity and Discovery.
Ambidexterity is the state of being equally adept in the use of both right and left appendages (such as the hands). It is one of the most famous varieties of cross-dominance. (wikipedia)
My interest for Ambidexterity started when I saw a Project Runway Contestant (Elisa Jimenez from Season 4) who can only write backwards. She always idolized Leonardo Da Vinci and thought that it would be fun to learn how to write backwards just like him. After knowing that a person can actually learn and do this skill, I immediately googled some interesting facts about Da Vinci and learned that he writes backwards, probably dyslexic and he is ambidextrous – he can actually write with his left hand and paint with the other one, he usually uses both hands for painting, switching to the other hand when the other is tired. And I was really really amazed that there are people who can really use both hands in writing and other complicated activities, so I started practicing my non-dominant hand (left) and in a few months time, I hope i’ll be one of them. It’ll be cool to learn how to write with both hands, isn’t it? It can be really useful and it is an advantage. =)
So I started writing in my new journal (notebook) using my left hand, not only does it help me practice my non dominant hand but i didn’t know that it can also help me discover myself in a new way. It has been years since I wrote in a journal, I must say that it is very helpful to let your feelings out and just scribble thoughts away. I wrote about future goals, past experiences, kilig moments, emo times, wonderful moments, present happenings and through writing it in a paper and thinking about these things, I saw things in a clearer point of view. Yes, it may take me a couple of hours writing in my journal ~ I didn’t know that writing with my left hand can be such a pain in the hand – and in the butt. >.< (it would take me about 5 minutes just to write a single short sentence) but I know that it’s all worth it, at least I can write things I want and I know that someday, I’ll be ambidextrous. ^___^ (confident much? oh well, let’s look at the brighter side – I learned that ambidexterity is not actually genetic and the use of both hands can be learned by being patient and by practicing, practicing, and practicing)
Ikaw? Anong Dominant Hand mo? Kaliwa ba or kanan? o parehas?

