THEA
ka-THEA-han.
Pangalan
Ako ay si THEA. Kilala sa pangalang THEA. Ayon sa aking pinakamamahal na nanay, ang pangalan ko daw dapat ay Thea Mae Andrea. pero sabi naman ng aking pinakamamahal na tatay, mas ikabubuti kung ang magiging pangalan ko na lang e: THEA dahil mas madali daw at hindi nakakapagod kung isusulat. Thea lang ang pangalan ko: no more, no less. at masaya naman ako dito, sa katotohanan nga e, napagkakamalan akong adik na sa pangalan ko dahil halos lahat ng pag mamay-ari at hangga’t maari eh ginagamit at sinusulat ko ang pangalan ko. Tinatawag din akong Thei sa bahay, at Thea Bi, Thea Box, Thea Bong, Thea Boom, Thea Ba ng mga pinakamamahal kong classmates.
Edad/Estado ng pag-aaral/Araw ng kapanganakan
Ako ay 16 taong gulang na, nito lamang June 16. Kasalukuyan akong nasa 1st year college na kumukuha ng kursong Accounting. Gemini ako dati, pero Taurus na daw ngayon. Ayon sa Reader’s Digest at sa website na ‘to: http://livescience.com/widgets/birthday.html ay may pagbabagong naganap sa tilt ng Earth sa sarili nitong axis. Kaya halos lahat ng mga zodiac signs e nagbago na, at may nadagdag pang isa: Ophiuchus (November 29-December14). At kaya ko lang shinare ‘to ay dahil wala lang, gusto ko lang ishare.
Kahit Ano/Ka-eklatan
Mahal na mahal ko ang kulay na PINK. Kahit anong shades ng pink, ayos sakin. Pero ang pinakapaborito ko ay Hot Pink.
Naniniwala akong halos lahat ng bagay ay maganda kung kulay pink ito.
Iniisip kong may SPLIT PERSONALITY ako. Hindi pa proven ito, pero may mga symptoms na na totoo nga.
at ang kuru-kurong ito ay lumabas na lang bigla sa utak ko dahil sa pag-iisip na sobrang boring ng buhay ko. Patuloy ko pang kinikilala kung sino ba talaga ang tunay na ako. Moody? Siguro. May Split Personality? Siguro din.
Pinapangarap kong maging Astronaut at makapunta sa Moon. Mapunta sa Outer Space – makain ng black hole at makapasok sa worm hole, lumabas sa white hole at makapunta sa isang parallel universe o kung hindi man e mag time travel gamit ang black holes. Gusto kong mamatay sa Outer Space, para kahit watak na watak na ang katawan ko dahil sa meteors at asteroids, habang patay akong nakalutang lang dun. Walang kumakain, hindi nabubulok. SANA.
Mahilig akong magbasa ng libro – at ang aking paborito ay ang One Hundred Years of Solitude at Love in the Time of Cholera ni Gabriel Garcia Marquez at sya ang aking paboritong author. Ang 2 libro na ‘to ay napakaspecial sakin, dahil dito lang ako nakaranas magising ng hanggang 1:00 a.m. dahil lang sa kakaisip ng kwento at sobrang pagkadepress sa mga nangyayari sa libro. (madalas akong matulog ng late na, pero hindi dahil sa kakaisip lang sa libro) Sya din ang aking paboritong author, kahit na sobrang hirap intindihin ng mga ginagawa nya kung minsan – ngayon lang ako nakakita ng manunulat na sobrang lalim at kayang magkwento ng mga pinakasimpleng kwento sa sobrang lalim na paraan at ang sobrang lalim at di kapani paniwalang kwento eh kaya nyang gawing ordinaryo.
Nagkwento na ako ng talambuhay ko rito. Dapat bang iprivate to? haha. baka sabihin ng mga nakakabasa e sobrang baliw na ako. Hindi pa naman, isa akong ordinaryong tao, boring ang buhay, simple. simple lang. AT TINATAMAD NA AKONG MAGTYPE.
KAYA NEXT TIME NA LANG. – natuwa akong magshare kung sino man ako at maisulat sa aking mumunting blog ang kapiraso ng pagkatao ko.
Friendster: tgerona_143@yahoo.com
Multiply: Theanthropism
Tumblr: ka-thea-han
Facebook: tgerona_143@yahoo.com