Tofi Luk
Isang kagat, isang kagat lang ang kinelangan ko para tuluyan ng maubos ang tofi-luk na binili ko sa tindahan kanina. Imbis na kaligayahan ang maramdaman ko habang unti unting inuubos ang kaparisong tsokolate na hawak ko, ako’y nalungkot. Hindi dahil sa ito na ang pinakahuling tofi luk na matitikman ko, alam kong may mga gabing uuwi ulit ang nanay kong may dala-dala na namang isang box ng tsokolateng pinakaaasam-asam ko. Kundi dahil, YUN ang tofi luk na pinaka iingat ingatan kong hindi kainin habang nasa jeep kanina pauwi, yun ang tofi luk na pinagdamot ko sa mga kaklase ko at parang patay gutom na itinago mula sa kanila, at yun ang tofi luk na pinagmamasdan ko ng buong ngisi at buong saya dahil alam kong makakain ko na sya mamaya. Alam kong madami pang tofi luk na dadating sa tyan ko, madami pang gabing ma-eexcite ako sa pag-aantay sa nanay ko dahil sinabihan ko sya na magdala ng tofi luk pag-uwi nya, madami pang calories at ka-hyper-an ang maidudulot sakin ng madaming tofi luk na dadating sakin, pero sa ngayon, YUNG tofi luk na yun ang namimiss ko, yung tofi luk na yun ang kailangan ko, dahil sa oras na to, nagugutom na naman ako.
Repost galing sa Friendster Blog ko.
Wala lang, naalala ko lang dahil kumakain ako kanina ng Tofi-Luk. Aye. Ubos na naman.
Nararamdaman ko rin yan yung tipong… Sana hindi ko muna inubos para may nakakain pa ako ngayon. HAHA.
Gusto ko ng Tofi Luk! Bibili ako mamaya sa tindahan.
)
ang tagal ko ng hindi nakakakain nyan..
3 years na! wahh.. parang gusto ko tuloy bumili..
gusto ko tuloy ng Tofi Luk.
)
kaso umuulan sa labas ee. haha di ako makalabas.
ang cute ng post na toh. haha. nakakaaliw!
parang gusto ko din tuloy ng tofi luk. nung grade 5 ako pagdating ko naman sa school ito ung binibili ko.
nakakatuwa naman yung post mo sis. hehe.
pero in fairness masarap naman kasi ang tofi luk
tas abot kaya pa. haha!
OT: may new entry din po. ingat!
hahahha funny ng post mo, grabeh ka ha tinago mo pa baka nga manghingi yong mga pwens mo anoh?! hehehhe
ahaha..gusto ko rin yan eh~ sarap nga nyan..hehe..LaLo na pag gaLing sa ref =)
Link ex?:)
Hey. Dropping by. Just wanna let you know that I’m giving away noleftturn.uni.cc … Just comment on my post if you are interested. Thanks.
kaloka nmn akala ko kung anu na lht pla dhl sa chocolate haha.. d p me nkktikim nyan eh.. srap b tlg?
ang sarap@ hehe
feeling ko metaphorical, hehe.