yey! :) no more worries.
Namroblema pa ako kagabi kung pano matutulog. Nasanay na kasi akong late na matulog. Maaga na nga ang 12 midnight sa oras ng pagtulog ko kaya ng malaman kong maaga kaming pupunta ng mga kasama ko sa school para kuhain yung mga grades namin – 10:00 a.m. ang unang usapan para hindi na kami masyadong pumila, napag-isip isip kasi naming madaming pupunta pag hapon alam naman natin na mas masarap matulog sa umaga kaya ayun. Tapos biglang 8:00 a.m. na, para daw hindi mainit. Kaya talagang frustrated na frustrated naman ako sa pagtulog kagabi, tamang tama pang nakakain ako ng 6 na tofi luk. Sugar Overload. Kaya, 11p.m. pa lang, umalis na ako sa tapat ng pc at simula nang mahiga sa aking napakalambot na kama. Nakatulog ata ako mga 2:00 a.m. na kasi huling tingin ko sa relo, 1:30 a.m. na. Tapos, nagpagising ako 5:30 a.m. para di ako malate sa meeting place namin. E di, excited naman ako.
haha. 8:00 a.m. pa usapan namin, 6:45 reading ready na ako, katext ko pa nga yung hs classmate ko na schoolmate ko din, ang aga ko naman daw. Umalis ako sa bahay ng 7:30, para ako yung hihintayin nila. wahaha. paspecial ako e.
para pagdating ko dun, alis agad. Nung nasa jeep na ako, nagtitext na mga classmates ko kung nasaan na ako, sabi ko, malapit na. Na totoo naman talaga, dahil malapit na akong bumaba ng jeep at ilang lakad lakad na lang. Tapos, sabay nung nasa tapat na ako ng bababaan ko, nagtext sakin yung classmate ko, sabi, nauna na daw sila.
kaya solo flight akong nagmumuni-muni sa tricycle. Pagdating ko sa school, nakakuha na din sila ng number. 41 and 42 yung dalawa kong kasama, tapos ako. 54.
haha. Pero, hinintay naman nila ako this time kaya okay naman sakin. Ang hindi okay e, pagbayad ko ng balance ko para sa ID (kasi chinacharge na lang yung mga photocopy and other expenses sa I.D – parang credit card ba. Tapos saka mo na lang babayaran) tapos tamang tama, nung ako na. Error ng error yung computer dun sa loob – wala na naman pala akong dapat bayaran. =.= haha. Pero, okay lang. Ang cute naman ni kuyang nasa likod ko e, haha. Skaters ang dating, pero ayos. XD haha. Ang gwapo nya. Kamusta naman ang pagpila ko dun ng madaming minuto. Sayang sa oras! hahaha. At ang post na to ay hindi lang naman talaga tungkol sa mga kamalasan ko ngayong araw na ‘to. Nais ko ding ipagmalaki na hindi ako bagsak sa math. Mababa, pero ayos narin. XD satisified na ako. Nakakalungkot lang kasi yung 4 na yung friends kong bagsak sa math. At yun lang ang naging dahilan kung bakit irregular sila.
Eto pala ang first college grades for the first term:(1-Excellent, 5-Failed)
- ENG011 – 2.25
- FIL011 - 2.00
- HUM011 (Logic) – 1.75
- IT011L - 1.25
- MATH011 – 2.75
- PE021 – 1.50
- SCI015 - 1.75
- VE011 - Passed.
Medyo nasad naman ako sa iba kong grades.
hmmm. Babawiin ko talaga next term, (Paulit-ulit ko ng sinasabi to sa sarili ko at mga kasama ko, haha. Nabasa ko kasi somewhere na kapag sinasabi mo yung mga bagay sa ibang tao, nakakatulong itong mag change ng state of mind mo, mas lalo kang mapapatrabaho kapag sinasabi mo sa ibang tao kung ano yung gusto mong gawin) kakaririn ko ang pagiging estudyante. Walang Friends, Walang Lovelife, Walang Gimik. Magpapakulong ako sa kwarto para mag-aral, tapos hindi na din ako lalabas ng bahay pwera na lang kung sa school ako pupunta. haha. Sobra naman yun, pero, itatry ko talagang mag-improve next term.
Gusto ko talagang maging matataas yung grades ko and gusto ko talagang matuto. 5 taon na lang akong mag-aaral, after nun, wala na. WORK.WORK.WORK. Tatanda na tayo, magkakawrinkles and kung anu-anong eklavu sa mukha. Kaya live our lives to the fullest, karirin dapat ang pagiging estudyante. For sure, lahat tayo, mamimiss ang mga araw na nag-aaral tayo, mahirap man mag-aral at maging estudyante, masaya naman diba? haha. Lalo na kung biniyayaan ka din ng magandang social life at may mababait kang friends – kahit ibang course at di mo sila classmates. Sabi nga ng teacher ko sa Science nung nakatext ko sya ng minsan, at napakacute nya a – Enjoy nyo na lang ang pag-aaral. Mas madami kayong matututunan. at tama nga naman sya, hehe.
Basta ako, I love learning new things, magandang may alam ka diba? kaya i’m looking forward sa next term. ACCOUNTING and BUSINESS MATH. Tayo naman ngayon! haha. Wala naman kasi akong katalent talent kaya hangga’t maaari, gusto ko sanang bawiin sa school. Kaya aral lang ng aral mga kaibigan! haha. Masarap Mag-aral! Masarap ang may baon!
Buti ka nga 2.75 sa Math011 e. Ako tres lang. Ack. Atleast pasado! Haha! Ayus lang yan thea. Tofi Luk talaga e. Anu pala yung Sci015? Science? Kabog.
yay!congrats :] sabi ko na nga ba may psychic powers ako. last comment ko syo sabi ko, for sure walang fail :] eh di lahat pasado ka nga. hihi. lol :] feeling psychic na naman ako ^_^
good luck sa next term! :] xx aral mabuti ^_^ na-inspire din ako mag-aral gawa ng post mo na to :]
waah! totoo yan! masaya ang school life kahit na nakakaasar ang mga prof, projs & assgnments! ako nga namimiss ko na ang schol life ko. kya tama ka sis! todo mo ang pageenjoy ng school life mo dahil pag nasa work k na hindi mo na magagawa ang mga bagay na ginagawa mo.
good luck sa next term mo sis!
Ang galing naman ng id niyo (: inggit ako. Sana ganyan na lang din sa amin. ASA ((: Naco, ewan ko ba kung anong meron sa College Algebra e halos parehas lang din naman ng sa high school pero naka tres pa rin ako. EPAL NOH? ((: epal rin kasi yung prof e ((: Congrats kasi wala kang bagsak! (: gogogogogo na para next term! Wooots!
Self-fulfilling prophecy – yun bang kinokondisyon mo sarili mong kaya mo isang bagay kaya nakakaya mo talaga (: miss you thea!
Atleast hinintay ka pa rin nila kahit na nauna yung mga number nila. hehe.
pero sis grabe ah ang konti lang ng tulog mo.
buti pa kayo ganyan na yung id niyo. sana sa campus din namin ganyan na.
okay naman pala yung mga grades mo eh. bawian mo na lang yung iba.
kaya mo yan sis!
wow! congrats sa grades mo.
)
not bad .. ako kasi,
nung first yr, first sem..
nakakuha agad ng bonggangg bonggang tres.
ang bait ko kasi.
Masarap ang mag-aral *erase*
*insert*
masarap ang may baon
Haha.
)
ok naman yung gradess. buti di umabot sa 3 db? basta kaya yan.. keep it up! bawiin nalang!
aheheh.
sis try mo tumingin sa ligh nang nakaclose yung mata mo.. tas at least 10 minutes. tas matulog ka.. effective yun sa akin!
Nice grades dear! Not bad at all. <3 *hugs* xoxo ^_^