Thea’s daily blahs. = Chronicles of her Life and Adventures.

WALA LANG.

Posted in Uncategorized by theanthropy on September 9, 2008

After 48 years na naman bago ako nakapag-update. haha Kawawa ka naman, blog ko. :) pero ngayon, term break na! Tapos na ang finals, tapos na ang math, tapos na ang chu-moments and cheverloo. Kahit kulang kulang 2 weeks lang yung term break namin, ayos lang. At least pahinga diba?

Kinakabahan ako sa MATH. well, tapos na yung final exams namin sa math, pero hanggang ngayon kinakabahan parin ako sa magiging results. Ayokong bumagsak promise, ayokong ibitin na lang ako bigla patiwarik ng parents ko. Mahal na mahal ko ang math dati Isa ako sa mga taong kaexxage exxage naman ang reaksyon kapag nakakakita ng word problems, equations, variables, at numbers sa board at sa assignment. Na kung makapagsolve sa mga problems eh akala mo wala ng bukas, na gustung-gusto magpuno ng board sa tuwing pinapasagot ng teacher – dahil sa haba ng solution at laki ng sulat. Pero ngayon, mahal ko parin naman ang math kahit papano. haha. Di ko dapat sinisisi lahat sa pagiging strikto ng teacher namin at sa super boring nya talagang magturo. Hindi rin siguro ako masyadong nagfocus sa pag-aaral at ginamit lahat ng time sa pakikipagkwentuhan kay kuya Carlos at pagkain ng Oheya with my frineds. Kung bumagsak man ako ngayon, babawi at babawi talaga ako next term – matututo ako sa aking pagkakamali at kung sakali mang pumasa ako, thank You Lord! *bow*

Dadating na ang aking tatay Yeheyy! hahaha. Nung August pa ako excited. Nakamark na sa phone and calendar ko yung date ng pagdating nya: September 13, 2008. Kahit 3 months LANG DAW sya nawala, eh excited parin ako. :D haha. Buong buhay ko, sa abroad na nagtatrabaho ang tatay ko, kaya ang saya naman pag andito sya diba? Kahit 3-4months lang sya dun, 20+ days lang naman sya dito.

WALA LANG. Feeling ko, ang dami kong gustong ishare at ilabas na feelings and thoughts. :P haha. Pero, hindi pa ngayon ang tamang oras – masakit na kasi yung leeg ko. hahaha. :P at sa sobrang boring ng buhay ko – iniisip ko ng may SPLIT PERSONALITY na ako – pero parang totoo nga hahaha naguguluhan ako. :| hahahay. Baliw na ba? Baliw???! Napakawalng kwentang post. haha. Pero, wateber. Sa susunod na lang ulit. haha. Ay! haha. Highlight of my first term of college: si SPARKS. Crush ko sya since 3rd year high school at hanggang ngayong college na pinagtagpo na ang aming mga landas. wahahaha. Ilang beses ko na syang nakakasabay pauwi (haha. pero syempre, sabit lang. Thanks to my HS friends. haha. :) Enjoy na nga akong kasama sila, nadagdagan pa, kasi lagi din syang kasama) Hindi pa ako tinutubuan ng loob para makipag-usap sa kanya – yung tipong usap talaga. Pero sana, dumating ang panahon na magawa ko rin yun. Basta ngayon, happy ako. :) hahaha. At least, ngayon, hindi na sya out of reach. at nagcocomment na sya sakin sa friendster. at. at. nag-uusap kami ng kahit pacomment comment lang at iilang words lang. Amen. haha. Good Luck sakin. :) – samin. yeaa. hahaha. IN MY DREAMS.

Camphone lang ang ginamit kaya pasensya na sa quality, sa jeep yan kinuhaan. May 2 pictures pa, haha (dun sa 2 pics, nakatingin and smile na kaso, mukang mukang bangag ako, kaya hanggang sa phone ko na lang mananatili yung pic na yun) salamat talaga kay Kon sa pictures. :) mas cute sya sa personal! :) at ako, muka akong bangag dyan haha. *kilig. kilig* hanggang ngayon, di parin ako makapagmove-on. wahaha. Tama na nga, masyado naman akong natuwa. haha. LUMELEVEL. :)

Bloghop ako bukas. :) hehehe. namiss ko to. :P