Thea’s daily blahs. = Chronicles of her Life and Adventures.

Sana kasinungalingan lang lahat ng naiisip ko.

Posted in Uncategorized by theanthropy on February 21, 2009

Naalala ko lang yung blog ko bigla kasi nabanggit sa akin ni Jetjet. Ayon, naalala ko lang na di ko na naaupdate to. Pero di naman kelangan e, haha. Actually, papampam lang ako. :D haha. wala akong magawa. =P kelangan kaya ako magkakaroon ng updated forever na blog? hahaha. =D

Hay. Sobrang. Wala Lang.

May namimiss ako. :( Di ko alam kung kaselfish-an na naman at ka-sentihan lang kaya ko to naaalala. Di na kasi nya ako pinapansin ngayon, parang walang nangyari. Parang hindi na lang kami magkakilala, parang hindi man lang kami naging magkaibigan dati? Bat ganun, ni hindi ko na nga sya matingnan ngayon dahil ayokong marealize na minahal o mahal ko pala sya at magsisi dahil ako pa ang nagdesisyong pakawalan sya.

Tofi Luk

Posted in Uncategorized by theanthropy on September 24, 2008

Isang kagat, isang kagat lang ang kinelangan ko para tuluyan ng maubos ang tofi-luk na binili ko sa tindahan kanina. Imbis na kaligayahan ang maramdaman ko habang unti unting inuubos ang kaparisong tsokolate na hawak ko, ako’y nalungkot. Hindi dahil sa ito na ang pinakahuling tofi luk na matitikman ko, alam kong may mga gabing uuwi ulit ang nanay kong may dala-dala na namang isang box ng tsokolateng pinakaaasam-asam ko. Kundi dahil, YUN ang tofi luk na pinaka iingat ingatan kong hindi kainin habang nasa jeep kanina pauwi, yun ang tofi luk na pinagdamot ko sa mga kaklase ko at parang patay gutom na itinago mula sa kanila, at yun ang tofi luk na pinagmamasdan ko ng buong ngisi at buong saya dahil alam kong makakain ko na sya mamaya. Alam kong madami pang tofi luk na dadating sa tyan ko, madami pang gabing ma-eexcite ako sa pag-aantay sa nanay ko dahil sinabihan ko sya na magdala ng tofi luk pag-uwi nya, madami pang calories at ka-hyper-an ang maidudulot sakin ng madaming tofi luk na dadating sakin, pero sa ngayon, YUNG tofi luk na yun ang namimiss ko, yung tofi luk na yun ang kailangan ko, dahil sa oras na to, nagugutom na naman ako.

Repost galing sa Friendster Blog ko.

Wala lang, naalala ko lang dahil kumakain ako kanina ng Tofi-Luk. Aye. Ubos na naman. :(

yey! :) no more worries.

Posted in Uncategorized by theanthropy on September 15, 2008

Namroblema pa ako kagabi kung pano matutulog. Nasanay na kasi akong late na matulog. Maaga na nga ang 12 midnight sa oras ng pagtulog ko kaya ng malaman kong maaga kaming pupunta ng mga kasama ko sa school para kuhain yung mga grades namin – 10:00 a.m. ang unang usapan para hindi na kami masyadong pumila, napag-isip isip kasi naming madaming pupunta pag hapon alam naman natin na mas masarap matulog sa umaga kaya ayun. Tapos biglang 8:00 a.m. na, para daw hindi mainit. Kaya talagang frustrated na frustrated naman ako sa pagtulog kagabi, tamang tama pang nakakain ako ng 6 na tofi luk. Sugar Overload. Kaya, 11p.m. pa lang, umalis na ako sa tapat ng pc at simula nang mahiga sa aking napakalambot na kama. Nakatulog ata ako mga 2:00 a.m. na kasi huling tingin ko sa relo, 1:30 a.m. na. Tapos, nagpagising ako 5:30 a.m. para di ako malate sa meeting place namin. E di, excited naman ako. :) haha. 8:00 a.m. pa usapan namin, 6:45 reading ready na ako, katext ko pa nga yung hs classmate ko na schoolmate ko din, ang aga ko naman daw. Umalis ako sa bahay ng 7:30, para ako yung hihintayin nila. wahaha. paspecial ako e. :) para pagdating ko dun, alis agad. Nung nasa jeep na ako, nagtitext na mga classmates ko kung nasaan na ako, sabi ko, malapit na. Na totoo naman talaga, dahil malapit na akong bumaba ng jeep at ilang lakad lakad na lang. Tapos, sabay nung nasa tapat na ako ng bababaan ko, nagtext sakin yung classmate ko, sabi, nauna na daw sila. :| kaya solo flight akong nagmumuni-muni sa tricycle. Pagdating ko sa school, nakakuha na din sila ng number. 41 and 42 yung dalawa kong kasama, tapos ako. 54. :) haha. Pero, hinintay naman nila ako this time kaya okay naman sakin. Ang hindi okay e, pagbayad ko ng balance ko para sa ID (kasi chinacharge na lang yung mga photocopy and other expenses sa I.D – parang credit card ba. Tapos saka mo na lang babayaran) tapos tamang tama, nung ako na. Error ng error yung computer dun sa loob – wala na naman pala akong dapat bayaran. =.= haha. Pero, okay lang. Ang cute naman ni kuyang nasa likod ko e, haha. Skaters ang dating, pero ayos. XD haha. Ang gwapo nya. Kamusta naman ang pagpila ko dun ng madaming minuto. Sayang sa oras! hahaha. At ang post na to ay hindi lang naman talaga tungkol sa mga kamalasan ko ngayong araw na ‘to. Nais ko ding ipagmalaki na hindi ako bagsak sa math. Mababa, pero ayos narin. XD satisified na ako. Nakakalungkot lang kasi yung 4 na yung friends kong bagsak sa math. At yun lang ang naging dahilan kung bakit irregular sila. :( Eto pala ang first college grades for the first term:(1-Excellent, 5-Failed)

  • ENG011 – 2.25
  • FIL011 - 2.00
  • HUM011 (Logic) – 1.75
  • IT011L - 1.25
  • MATH011 – 2.75
  • PE021 – 1.50
  • SCI015 - 1.75
  • VE011 - Passed.

Medyo nasad naman ako sa iba kong grades. :( hmmm. Babawiin ko talaga next term(Paulit-ulit ko ng sinasabi to sa sarili ko at mga kasama ko, haha. Nabasa ko kasi somewhere na kapag sinasabi mo yung mga bagay sa ibang tao, nakakatulong itong mag change ng state of mind mo, mas lalo kang mapapatrabaho kapag sinasabi mo sa ibang tao kung ano yung gusto mong gawin) kakaririn ko ang pagiging estudyante. Walang Friends, Walang Lovelife, Walang Gimik. Magpapakulong ako sa kwarto para mag-aral, tapos hindi na din ako lalabas ng bahay pwera na lang kung sa school ako pupunta. haha. Sobra naman yun, pero, itatry ko talagang mag-improve next term. :) Gusto ko talagang maging matataas yung grades ko and gusto ko talagang matuto. 5 taon na lang akong mag-aaral, after nun, wala na. WORK.WORK.WORK. Tatanda na tayo, magkakawrinkles and kung anu-anong eklavu sa mukha. Kaya live our lives to the fullest, karirin dapat ang pagiging estudyante. For sure, lahat tayo, mamimiss ang mga araw na nag-aaral tayo, mahirap man mag-aral at maging estudyante, masaya naman diba? haha. Lalo na kung biniyayaan ka din ng magandang social life at may mababait kang friends – kahit ibang course at di mo sila classmates. Sabi nga ng teacher ko sa Science nung nakatext ko sya ng minsan, at napakacute nya a – Enjoy nyo na lang ang pag-aaral. Mas madami kayong matututunan. at tama nga naman sya, hehe. :) Basta ako, I love learning new things, magandang may alam ka diba? kaya i’m looking forward sa next term. ACCOUNTING and BUSINESS MATH. Tayo naman ngayon! haha. Wala naman kasi akong katalent talent kaya hangga’t maaari, gusto ko sanang bawiin sa school. Kaya aral lang ng aral mga kaibigan! haha. Masarap Mag-aral! Masarap ang may baon! :)

GRADES.

Posted in Uncategorized by theanthropy on September 14, 2008

Excited na ako bukas! :) Kuhaan na ng grades.

Oh yea. First college grades ko ito.

Naway pagpalain at sana’y maging matataas. Kinakabahan talaga ako sa Math.

At sana’y walang bagsak.

Happy Anniversary!

Posted in Uncategorized by theanthropy on September 13, 2008

Classmates. Batchmates. Batch 2008
Green Invaders. Golden Dragons. Green Invaders. Azure Knights
2004-2008

Happy Anniversary sating lahat! :) Apat na taon na tayong nagkasama at isang taon na ang nakalipas magmula ng sama sama tayong nagretreat. Nais ko lang magpasalamat sa lahat ng memories nating magkakasama, eh talaga namang enjoy diba? haha. Ang dami na nating napagdaanan, away dito, away doon, bati dito, bati doon. Pero lahat ng to ay aking pinasasalamatan dahil ito ang nagpalakas at nagpatatag ng ating samahan! hehehe. Wish ko sana may ihahaba pa ang 4 years nating pagsasama, nabitin kasi ako sa tawanan, iyakan, barahan, at kung anu-ano pa mang kakornihan natin. Pero kung hindi man, at hindi na talaga, lagi kong ititreasure yung mga memories na kasama kayo. Maraming maraming maraming at marami pang salamat sa inyong lahat! :) Enjoy lang sa ating mga buhay-buhay okay? walang limutan.

Nagmamahal ng walang kasawa-sawa,
Thea, Thea B., Thea Boxx, Thea Ba, Thei